See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Estados Unidos: “Shooting Blind” – Ang Pagtingin Gamit ang Naiibang Mata

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Bawat araw ng Martes, isang grupo ng mga litratistang may kapansanan sa mata ang nagtitipon-tipon sa Manhattan, New York. Ilan sa mga kasapi ng nasabing grupo ay malapit nang mabulag, samantalang ang iba naman ay nawalan ng paningin noong bata pa, o ‘di kaya'y buhat nang sila ay ipinanganak. Ang tawag sa kanila ay SWCP o ang Seeing with Photography Collective.

Sa librong pinamagatang Shooting Blind, ipinaliwanag ni Mark Andres, ang nagtatag ng grupo at ang namumuno dito, ang iba't ibang papel na kanyang ginagampanan para sa organisasyon. Minsan na siyang naging tagapaglapat ng musika sa piyesa, naging gabay, tagapagturo, katrabaho, at litratista ng naturang pangkat. Ang pagtutulungan ng mga miyembro at mga boluntaryo ang siyang naging malaking puhunan ng grupo, kung saan ang pangunahing kasangkapan ay ang pagpinta gamit ang iba't ibang ilaw.

Narito ang ilang kahanga-hangang larawang kuha ng mga kasapi ng SWPC (lahat ng mga ito ay may permiso sa paglalathala dito), at isang bidyo mula kay Steven Erra, isa sa mga miyembro ng pangkat. Ipinapamalas sa mga imaheng ito ang mga kinahihiligang materyal ng mga litratista. Sana ay matuwa kayo!

mula sa SWPC

kuha ni Donald Martinez at Phil Malek

mula sa SWPC

kuha ni Hashim Kirkland

kuha ni Mark Andres

mula sa mga raliyistang SWPC sa kilusang Occupy Wall Street.

mula sa SWPC

mula sa SWPC. Litrato sa paglulunsad ng eksibit sa Long Island Center of Photography.

Narito naman ang bidyo tungkol sa pangkat ng Seeing with Photography Collective na gawa ni Steven Erra:

Itinanghal ang naturang eksibit noong Hunyo sa lungsod ng New York sa Long Island Center of Photography sa Afroamerican Museum, na matatagpuan sa 110 Kalye Franklin, Hempstead, Long Island. Inaanyayahan din kayo ng SWPC na bisitahin ang kanilang pahina sa Flickr. Labis na ikatutuwa ng grupo na malaman ang inyong mga reaksyon at mga saloobin sa mga litrato.

Light is essentially indifferent 

 just until it is in a lens or in a cold camera

becomes meaningful 

- Steven Erra

Sadyang hindi napapansin ang liwanag

hanggang sa ito'y tumagos sa lente o kamera

at nagkakaroon ito ng kahulugan

- Steven Erra

2 Mga Komento

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.