Puerto Rico: Panlilinlang sa Patalastas, Inilantad ng Isang Blogger

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]

Sa isang bagong patalastas ng kompanyang Fiat, pinapakita ang mang-aawit at aktres na Puerto Rican na si Jennifer López na minamaneho ang isang puting Fiat 500c habang tinatahak ang mga kalye ng Bronx, New York, kung saan siya isinilang at lumaki. Dito sinalaysay ni López ang tungkol sa lugar na kanyang pinanggalingan at ang inspirasyong nahuhugot niya mula rito.

Ang bidyo na ito mula sa Fiat ay makikita sa YouTube:

Nagkataon naman na doon nakatira ang Puerto Rican blogger na si Ed Morales (edmorales.net). Naroon din siya nang isinasagawa ang shooting ng patalastas at biglang napaisip kung para kanino ang ekstra sa nasabing shoot. Ayon sa kanyang panulat sa artikulong ‘Jenny Absent From My Block‘:

… in fact the woman sitting in the car was so nondescript despite the fact that she seemed to be playing a lead role that I had a strong suspicion that she was a body double. But for whom?

dahil nakaupo lang ang babae sa loob ng kotse na para bang walang nangyayari kahit pa tila siya ang pangunahing artista doon, nagduda na ako na baka siya ay isang ekstra lang. Pero para kanino?

Nakunan ni Ed ng litrato ang mga sandaling nagkaroon ng sira ang sasakyang ginagamit sa shoot. Matapos mapanood ang patalastas sa telebisyon at napagtanto na ito mismo ang shoot na kanyang nasaksihan, sumulat ito agad sa kanyang blog at sinabing wala naman talaga si López doon. Naging sanggunian ang kanyang litrato sa naging pag-uulat ng The Smoking Gun at New York Times.

Inaayos ang nasiraang kotseng Fiat habang nakapwesto ang ekstrang humahalili kay Jennifer Lopez sa may manibela. (Litrato ni Ed Morales)

Inaayos ang nasiraang kotseng Fiat habang nakapwesto ang ekstrang humahalili kay Jennifer Lopez sa may manibela. (Litrato ni Ed Morales)

Ibinalita naman sa Puerto Rican website na Noticel na matapos maiulat at kumalat ang pagsasalaysay ni Morales [es] sa internet, napilitan ang Fiat sa pag-aming gumamit nga sila ng ekstra dahil sa skedyul ni López.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.