- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Bidyo: Pagsabog ng Bulkang San Cristobal sa Hilagang Nicaragua

Categories: Latin America, Nicaragua, Breaking News, Citizen Media, Disaster, Environment, Film

Mapapanood sa YouTube ang mga bidyong kuha ng mga netizen sa kamangha-manghang pagsabog ng bulkan sa bansang Nicaragua noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Ang Bulkang San Cristobal [1] [en], ang siyang pinakamatayog sa Nicaragua na matatagpuan sa Gitnang Amerika. Alas-9 ng umaga nang magpakawala ito ng makakapal na usok at abo, dahilan upang lumikas ang higit 3000 katao sa bayan ng Chinandega.

Sa bidyong ito [2] [es] mapapanood ang pagbulusok ng abo sa ere, habang nangangamba naman ang kumukuha ng nasabing bidyo kung kailangan na ba nilang lumikas agad:

Sa susunod na bidyo naman [3] [es], nasaksihan ng mga nakatira sa karatig-bayan ng Chichigalpa ang pag-akyat ng usok mula sa naturang bulkan:

Sa ikatlong bidyo [4] [es], partikular sa ika-1:09 na minuto, isang malakas na pagsabog ng abo at usok ang pinakawalan ng bulkan. Komento ng taong kumukuha ng bidyo, ngayon pa lang niya nasaksihan ang ganitong pangyayari:

Pagsabog ng bulkang San Cristobal bandang 9 ng umaga noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Litratong kuha ni Ricci Rich Silva mula sa Twitpic. [5]

Pagsabog ng bulkang San Cristobal bandang 9 ng umaga noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Litratong kuha ni Ricci Rich Silva mula sa Twitpic.