GlobalVoices sa Learn more »

Ehipto: Makasaysayang Pamilihan ng mga Aklat, Sinalakay ng Pulisya

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Arabe.]

Madaling araw ng ika-7 ng Setyembre nang mabalitaan ng mga taga-Egypt ang ginawang pagsalakay sa mga tindahan ng mga libro sa Kalye Prophet Daniel sa lungsod ng Alexandria. Maraming nagsasabing kagagawan ito ng mga taga-Ministeryo ng Interyor. Bumuhos naman ang poot ng mga netizen sa Muslim Brotherhood, na inaakusahang unti-unting sumisira sa yamang-kultura ng bansa.

Winasak ng mga otoridad ang mga tindahan at mga aklat; nadamay ang maraming koleksyon ng mga matatandang libro at ang yamang-kulturang nakasulat sa mga ito.

Galit ang naramdaman ni Dr Shadia Metwally sa ginawang pagsalakay:

غلط الاعتداء علي مكتبات منطقة النبي دانيال وتترك أرصفة اخري عليها شاي وقهوة وكراسي بالية دي مكتبات وفيها ثروة ثقافية ‎‫#النبي_دانيال‬‏

@shadiametwally: Sinadya ang pagsalakay sa mga aklatan sa Kalye Prophet Daniel, samantalang hindi man lang nagalusan ang mga kapihan at ang mga lumang upuan sa kabilang kanto. Malaking kawalan sa kultura ang pagkasira ng mga tindahang iyon

Nangangamba naman si Schehrazade na unang maaapektuhan ang mga estudyanteng taga-roon dahil sa pangyayari:

@_Schehrazade: I can't imagine how poor university students will now be able to afford their books. Seriously a most malicious act

@_Schehrazade: Paano na kaya makakabili ng mga libro ang mga mahihirap na mag-aaral sa mga unibersidad. Talagang masama ang hangarin nila

What is left of Hameedo's bookshop on Prophet Danial Street in Alexandria

Ang mga natirang gamit sa tindahan ni Hameedo sa Kalye Prophet Daniel matapos ang pagsalakay ng mga pulis. Litratong ibinahagi ni Heba Farooq sa Twitter

Paliwanag ni Heba Farouk Mahfouz:

كشك عم رجب حميدو رغم أنه في ممر خاص ومش ع الشارع، ورغم حصوله ع ترخيص من 34 سنه قامت الداخليه بتدميره ‎‫#النبي_دانيال‬‏ ‎http://pic.twitter.com/DRiSLckf

@HebaFarooq: Nasa pribadong espasyo ang tindahan ni Rajab Hameedo, at hindi sa bangketa; sinira pa rin ito ng Ministeryo ng Interyor bagamat 34 taon na nitong hawak ang permiso ng gobyerno

Tweet ni Waleed:

#النبي_دانيال‬‏ قطعتوا عيش بائعي كتب بسطاء وحرمتم القراء البسطاء من مصدر سعادتهم، فيه أغبى من كدة؟!؟

@WilloEgy: Winasak niyo ang hanapbuhay ng mga simpleng tao at mga manininda, at hinahadlangan ang pagnanais ng mga dukha na makapagbasa. May mas tatanga pa ba dito?

Pabiro namang tweet ni Wael Barakat:

يعني بعد كده بيع الكتب هايبقي زي بيع الخدرات و هانروح نشتري الكتب جوه شرايط الفديو

@Wael_Barakat: Ibig sabihin ba nito eh ibebenta na ngayon ang mga aklat na parang bawal na gamot, at bibili na tayo ng mga librong itinatago sa loob ng mga video tape?

Tanong ni Ahmed Elsawy:

طب والراجل أبو كشك أزرق اللي علي اول الشارع اللي كنت بشتري من عنده ديما,وديما الاقيه بيصلي هدوله هو كمان كشكه؟طيب ‎‫#النبي_دانيال‬‏

@Ahmed_Elsawy: Paano na kaya ‘yong ginoo na nagtitinda sa asul na tindahan kung saan ako laging bumibili? Lagi ko siyang nakikitang nagdadasal. Bakit nila sinira ang kanyang tindahan?

Sinisisi ng karamihan ang partido ng Muslim Brotherhood, kung saan kabilang si Mohamed Morsi na ngayo'y bagong pangulo ng bansang Egypt, sa pagkawasak ng mga aklatan.

Puna ni Anas Abdelazeem:

تصوير ازالة اكشاك الكتب في ‎‫#النبي_دانيال‬‏ باعتباره هجمه اخوانيه ضد الثقافيه سخيف لانه وضع متكرر

@anasabdelazeem: Walang katotohanan ang sinasabing pag-atake ng Muslim Brotherhood sa mga aklatan sa Prophet Danial, dahil paulit-ulit naman itong nangyayari

Para sa iba pang mga reaksyon at komento, basahin sa Twitter ang talaan ng hashtag na ito.

Ibinahagi naman ni Ahmed Rock ang mga litrato ng pinsalang dulot ng pagsalakay sa Facebook page na ito.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.


Mga Rehiyon ng Mundo

Mga Bansa

Mga Wika