See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Venezuela: Mga Alagad ng Sining, Tampok sa Maikling Dokyu

Sa pamamagitan ng YouTube, ipinamalas ng pangkat ng Mostro Contenidos [es] ang natatanging dokyu-serye na pinamagatang ‘Memorabilia‘ [es], kung saan mapapanood ang mga panayam ng grupo sa mga kilalang personalidad ng Venezuela na sumikat sa larangan ng pelikula, sining, at pagtatanghal, sa loob at labas ng bansa.

Sa unang bidyo, inilarawan ng grupo ang kanilang pagsisikap na mapanayam ang samu't saring karakter na bumubuo sa kakaibang koleksyon, sa kabila ng kakapusan sa pondo. Sa mga bidyo masasaksihan ng manonood ang mga likhang-obra, opinyon, at karanasan ng mga alagad ng sining ng bansa. Mababanaag sa mga panayam ang makulay na kasaysayan ng makabagong Venezuela at ang mga bagay na humubog sa henerasyong ito.

Narito ang ilan sa mga piling bahagi ng ‘Memorabilia'.

Nagsisimula ang dokyu-serye sa isang panayam kay Marcel Rasquin [en], direktor ng pelikula:

Ibinahagi naman ng pintor na si Oswaldo Vigas [en] ang kanyang kwento sa susunod na bidyo. Si Vigas ay isa sa mga pinakakilalang alagad ng sining sa Venezuela:

Sa susunod na bidyo, nakapanayam nila ang direktor na si Margot Benacerraf [en]:

Naging panauhin naman sa kasunod na episode si Nelson Garrido [en], na kinilala bilang “alagad ng sining, manlilikha ng larawan, at terorista ng tula”:

Mapapanood ang iba pang mga proyekto, bidyo at panayam (na may kaukulang salin sa Ingles) sa YouTube channel [es] ng Mostro Contenidos.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.