- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Global Voices, Pinarangalan sa Gawad Highway Africa

Categories: Sub-Saharan Africa, Cameroon, South Africa, Citizen Media, Digital Activism, Media & Journalism, Announcements
Gantimpalang Highway Africa para sa Global Voices

Mga Nagwagi: Dorothee Danedjo mula Cameroon at Ndesanjo Macha ng Global Voices. Litratong kuha ni Ettione Ferreira [1] (ginamit ng may pahintulot)


Nagwagi ang patnugutang Sub-Saharan Africa [2] [en] ng Global Voices ng parangal mula sa Gawad Telekom Highway Africa [3] [en] bilang “Natatanging African ICT Blog”. Bilang kinatawan ng organisasyon, malugod na tinanggap ni Ndesanjo Macha [4] [en], ang patnugot ng Global Voices sa rehiyon, ang premyo at tropeyo noong ika-11 ng Setyembre 2012 sa bansang South Africa. Nagwagi bilang runner-up sa nasabing kategorya ang blogger at mamamahayag na si Dorothy Dandejo [5] [fr] mula sa bansang Cameroon.