Si Yuzuko Horigome at ang kanyang biyolin..

Si Yuzuko Horigome at ang kanyang biyolin. Litrato mula sa Change.org Japan. Ginamit ng may permiso

Hinarang ng mga opisyales ng customs sa Paliparan ng Frankfurt sa Alemanya ang isang Guarneri biyolin na pagmamay-ari ng musikerong Hapones na si Yuzuko Horigome noong ika-16 ng Agosto, 2012. Idinahilan ng mga otoridad ang kakulangan ng sapat na papeles. Humihingi pa ito ng US$ 500,000 upang maibalik ang nasabing kargamiyento.

Dahil dito, umabot na sa 5,400 katao ang pumirma sa malawakang petisyon sa Change.org [en] upang hingin sa tanggapan ng Customs ng Paliparan ng Frankfurt na ibalik ang nasabing instrumento nang walang anumang bayad.