Kilos-protesta laban sa pagdakip ng 12 kababaihan

Kilos-protesta sa harap ng himpilan ng pulisya, laban sa pagdakip ng 12 kababaihan sa Monywa, Myanmar. Litrato mula sa Facebook page ng CJ Myanmar

Labin-dalawang kababaihan ang dinakip at dinala sa estasyon ng pulisya matapos magprotesta laban sa pagmimina ng copper sa kanilang lupain sa Monywa, Myanmar. Dinagsa ang nasabing himpilan ng maraming mag-aaral, monghe, at taga-nayon noong Setyembre 10 [my] upang igiit ang pagpapalaya sa mga aktibista.