Pulis trapiko, nahuling tumatanggap ng suhol mula sa konduktor ng bus sa Yangon, Myanmar. Litrato mula sa bidyong kuha ni Nyan Linn Aung


Isiniwalat ni Nyan Linn Aung ang maanomalyang bidyo [en] ng isang ‘kotong cop’ na huli sa aktong tumatanggap ng suhol na iniaabot ng mga pribado at pampublikong bus na bumibiyahe sa Myanmar. Dahil sa maliit na sweldo ng mga pulis trapiko, laganap pa rin ang korapsyon sa ahensiya.