‘Paaralan ng Kalikasan’ ng Turkey: Nagpapaalala sa Atin Tungkol sa Kinalimutan Natin

by Güneş Sönmez

Tanawin mula sa beranda ng Paaralan ng Kalikasan. Larawan ni Güneş Sönmez, ginamit nang may pahintulot. 

Matatagpuan sa mataas na bulubundukin ng Eski Orhanlı, isang abandonadong pamayanan sa bundok malapit sa bayan ng Seferihisar, ang Doğa Okulu, o Paaralan ng Kalikasan, ay hindi isang karaniwang paaralan. Walang pirmihang kawani na nagtuturo, at wala ding kurikulum. Sa Doğa Okulu ang bawa't isa ay mag-aaral ng kalikasan, na muling naaakit ng sinaunang karunungan na katutubo sa likas na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkopya mismo sa kalikasan: pag-e-eksperimento, pagkakaroon ng karanasan at sama-samang pagbabalangkas nang walang mahihigpit na palatuntunan.

Isang oras mula sa baybayin ng Aegean sa probinsiya ng Izmir, iniingatan ng Eski Orhanlı ang mayamang lambak. Nagbibigay ng tahanan ang klima at lupa para sa mga puno ng oliba at mga baging ng ubas na malayang tumutubo, pati na rin sa mga puno ng oak na tatak ng rehiyon. Libu-libong taon nang pinaninirahan ang pamayanan bago pa ito binakante noong dakong 1980, dahil nagpasiya ang mga lokal ng Eski Orhanlı na bumuo ng bagong pamayanan sa lambak, na may mas mabuting daanan ng transportasyon patungo sa mga bahagi kung saan sila nagtatrabaho.

Pinalitan ng isang paaralan ang isa pa

Ang napabayaang primaryang paaralan ng Eski Orhanlı ay donasyon sa Doğa Okulu para sa mga layuning ukol sa pananaliksik. Napanumbalik ito dahil sa tulong ng Doğa Derneği (isang prominenteng NGO ng Turko ukol sa kapaligiran), mga tagapamayan ng rehiyon at munisipal na pamamahalaan ng Seferihisar. Ang mismong pagtatayo ng Doğa Okulu ang naging unang leksiyong handog ng paaralan sa sangkatauhan: hinaluan ng mga boluntaryo ang mga katutubong sining ng mga napananatiling solusyon mula sa kasalukuyan nang sa gayon ay maitayong muli ang gusaling niluma na ng panahon. Binuksan ng  Doğa Okulu ang mga pinto nito noong Pebrero 2014.

This wall art was done by the architect of Doğa Okulu expressing the nature surrounding from Doğa Okulu

Nilikha ang sining sa pader na ito ng isang arkitekto ng Doğa Okulu na nagpapakita ng kalikasang nakapalibot sa paaralan. Kuha ang larawan mula sa Doğa Okulu at ginamit nang may pahintulot.

Pinalitan ng lupa at mga bato mula pamayanan ang kongkretong istraktura ng lumang paaralan. Ang kuryente ng paaralan ay nanggagaling mula sa mga solar panel at dinurog na mga buto ng oliva, o prina. Tinutukoy ang gusali bilang “the living building” (o “buhay na gusali”) sa website ng paaralan  dahil “humihinga” ito sa pamamagitan ng plaster na putik. Ang lugar kung saan dating natutong magbasa at magsulat ang mga bata sa Eski Orhanlı ay naghahanda na ngayon ng mga workshop, mga kursong master-apprentice at walang kakulangan sa mga pag-uusap. Sinasanay ng mga bagong residente ng Orhanlı ang mga urbanite sa sining tulad ng paggawa ng olive oil sa pamamagitan ng kamay, paggamit ng parehong olive oil sa paggawa ng likas na sabon.

Si Raziye, isang Turkong folklorist at boluntaryo sa Doğa Okulu ay nagsulat sa kanyang blog post:

Orhanlı’da köy sakinleri hala kendi sabununu yapmaya devam ediyor. Biz de köy sakinlerinden Pembe Teyze’yle konuşup sabun yapmaya karar verdik. Hem sabun yaptık hem de sabun hakkında değerli bilgiler öğrendik. Mesela öyle her aklına estiğinde sabun yapılmazmış. Sabun, yaz ağzı denilen ilkbaharda ve güzün katımaya (sertleşmeye) uygun zamanlarda yapılırmış. “Sabahın bereketi üzerimize olsun” diyerek erken vakitlerde avluda ateşi yaktık.

Patuloy na gumagawa ang mga residente ng Orhanlı ng sarili nilang sabon. Kausap ang isang naninirahan, si Aunt Pembe, ipinasiya naming gumawa din ng ganoon. Ngayon natutuhan na namin kung paano gawin noon, natututo din kami ng mahahalagang impormasyon tungkol sa sabon. Malinaw, hindi basta-basta makagagawa ng sabon ang sinuman kailan man niya naisin. Ang angkop na oras sa paggawa ng sabon ay sa bukang-liwayway kapag tag-araw, panahon ng tagsibol at kapag nagsisimula nang tumindi ang taglagas. Sinasabing “mapasaamin nawa ang kasaganaan ng umaga”, napakaaga naming nagsiga kinaumagahan.

Ang mga kurso sa master-apprentice ay karaniwang dalawa o tatlong-araw na pangyayari na may malawak na hanay ng mga paksa. Bilang halimbawa, ang kursong First Steps into Nature o Mga Unang Hakbang sa Kalikasan, na tumatakbo mula Hunyo 20-21, ay isang kursong panimula para sa mga baguhan sa pagkahilig sa kalikasan. Dumadalo ang mga kalahok upang maunawaan ang mga pangunahing punto sa pamumuhay sa kalikasan, kilalanin na marami sa kanilang mga kinasanayan sa urbanidad ay hindi likas at napananatili.

Isa sa mga kalahok sa kurso, si Merve Ozayitgu, ang nag-tweet:

Magandang umaga mula sa Doğa Okulu, Orhanlı! Ang mga punla ko ng aubergine, sili at kamatis mula sa mga lokal na buto na naghihintay nang maitanim.

Ang MAGMA, isang sumisikat na magasing pangheyograpiya ng Turko, ay isa pang pangunahing tagapagtaguyod ng Doğa Okulu. Ang mga co-founder ng magasin na sina Kemal Tayfur at Özcan Yüksek  ay nagdaos ng isang apprenticeship o pagsasanay ukol sa pagsusulat at pag-e-edit na may temang-pangkapaligiran noong Hulyo. 

Sa social media hinahanap-hanap ng mga mag-aaral ng paaralan ang karanasan sa Doğa Okulu kahit matagal na silang lumisan.

Ngayong gabi, nasa panaginip ka namin, Paaralan ng Kalikasan.

Kabilang sa iba pang mga kurso kamakailan ang paggawa ng likas na plaster na putik at adobe, Setyembre 5-7, habang kasunod naman sa dakong huli ng taglagas ang isang kurso sa birdwatching o panonood ng ibon.

An ordinary lesson/chat  by @doganinaskina

Isang karaniwang leksiyon/kuwentuhan sa Doğa Okulu
ni @doganinaskina

Isang sentro para sa aktibismo

Liban pa sa muling pagtuturo ng mga leksiyon ng buhay ng mga ninuno ng Anatolia, nagsasagawa ang Doğa Okulu ng mga proyektong pananaliksik na nakatuon sa kapaligiran na may suporta ng mga boluntaryo at akademiko ng Doğa Derneği. Ang Seferihisar Natural Heritage Project ay isang katulad na proyekto, naglalayong imapa ang flora (o mga halaman) at fauna (o mga hayop) ng Seferihisar. Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Seferihisar ang proyekto noong Marso 2013 at mula noon ay nakakalap ang mga kalahok ng napakahahalagang impormasyon tungkol sa kalikasang bumabalot sa Seferihisar. Isang kolonya ng Cory's shearwater ang natuklasan sa gulpo ng Sığacık, bilang halimbawa. 

Higit pa doon, naglalaan ang paaralan ng isang plataporma para sa mga layuning pang-ekolohiya tulad ng Alakır Kardeşliği (Kapatiran ng Alakır), na sumasalungat sa pagtatayo ng isang higanteng Hydro Electric Dam sa Alakır Valley.

Si Ozcan Yuksek ng MAGMA ay nag-tweet laban sa pagtatayo ng dam, ipinaliliwanag na pinangangalagaan ng batas ang pook:

 Ang Alakır ay isang pangunahing lugar na pinangangalagaan ang kalikasan! Labag sa kalikasan ang proyektong ito at dapat na kanselahin kaagad!

Pagbabago ng Takbo ng Isip

May mga panauhing tumatagal ng ilang buwan sa Doğa Okulu. Si Sevcan Gizem Gürüz ay sumulat sa kanyang blog post tungkol sa simula ng kalahating taon niyang karanasan doon.

İlk vardığımda yolun üzerindeki dere yatağında çalışan çocuk ve gençler gördüm. Gülümsüyorlardı. Şehirdekilerin aksine. Bir kısmı fidan dikiyor, bir kısmı çöp topluyordu. Üzerlerinde şalvar ve uzun sarı çizmeler. Oysa benim üzerimde yeni aldığım kot pantolon, ayağımdaysa kırmızı “Converse”ler…

O an fidan dikmek zor geldiği için çöp toplamaya karar verdim. Derenin öte tarafındaki çöplere yöneldim. Bir cesaret, ilk adım… Eyvah! Daha ilk adımda çoraplarıma kadar ıslandım. Neyse dedim ve o anı Instagram’da ölümsüzleştirmek adına telefonuma sarıldım. Olamaz! Hayatında ilk defa inek gören köpeğim Roma avaz avaz havlıyordu, susması için ona doğru hamle yaparken ayağım taşa takıldı ve kendimi derenin soğuk sularında otururken buldum. Hayır! O da ne? Yanımda yüzen telefonum mu yoksa?  Hay aksi… Belli ki buraya alışmam biraz zaman alacak!

Yine derin bir nefes aldım ve  bir solukta geri verdim. İlk iş bir şalvar ve bir çift çizme almam gerekiyordu. Kendime “Onlar gibi olmalıyım” dedim. Şimdi düşünüyordum da… Ne kadar yanılmışım. Onlar ve ben… Her kör nokta bu ayrımla başlıyor zaten. Doğada ayrım yok. Her şey bir. Biz de biriz…

Sa unang pagdating ko, nakakita ako ng mga bata at mga tinedyer na nagtatrabaho sa may ilog pagdaraan ko papunta sa pamayanan. Hindi tulad ng ibang tao sa lungsod, nakangiti sila. May ilang nagtatanim ng puno, may ilang nangongolekta ng basura [na nalaglag sa ilog]. Nakasuot sila ng shalwar at mahabang dilaw na boots, habang nakasuot naman ako ng bagong pantalon, pulang sapatos na “Converse” sa ibaba…

Ipinasiya kong mangolekta ng basura dahil natuklasan kong mahirap magtanim ng mga puno sa panahong iyon. Tinungo ko ang basura sa kabila ng ilog. Taglay ang katiting na lakas ng loob, unang hakbang…Ooops! Nalublob sa tubig ang mga medyas ko. “Kahit na,” Naisip ko, hawak ang aking telepono na gawing laging-buhay ang sandali sa Instagram. Hindi puwede! Tuluy-tuloy ang pagtahol ng aso ko, si Roma, na nakakita ng isang baka sa unang pagkakataon ng kanyang buhay. Sa pagkilos ko para pakalmahin siya, natisod ako sa isang bato at natagpuan ko ang aking sarili na nakasalampak sa malamig na ilog. Oh, hindi! Ano iyon? Ang telepono ko lumalangoy katabi ko? Pahamak… Malinaw, kakailanganin ko ng higit pang panahon upang masanay sa mga bagay-bagay dito sa paligid!

Muli akong huminga nang malalim at nag-exhale. Ang unang bagay na kailangan kong gawin ay kumuha ng shalwar at isang pares ng boots. “Kailangan kong maging tulad nila,” Sabi ko sa aking sarili. Ngayon iniisip ko… Kung gaano ako kamali. Sila at ako… Bawa't di-pagkakasundo ay nag-uumpisa sa diskriminasyon. Walang diskriminasyon sa kalikasan. Iisa ang lahat ng bagay. Iisa kami…

Salamat sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan nito, ang Seferihisar ay naging siyang kauna-unahang lugar sa Turkey na nakilahok sa Cittaslow/Slow Food movement. Ang mga Cittaslow ay mga pamayanang pinangangalagaan ang kultura at ekolohiya na naglalayong pangalagaan ang lokal na tradisyong pangkapaligiran at pangkulinarya mula sa malaganap na kalikasan ng globalisasyon. Linggu-linggo, itinataguyod ng munisipalidad ng Seferihisar ang lokal na produksyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga “slow food bazaar”, kung saan direktang ibinebenta ng mga gumagawa ang kanilang mga produkto sa mga mamimili. Upang mapataas ang pagkakaiba-iba at kalidad ng pagkain, may mga pangrehiyong pagdiriwang kung saan maaaring magtipun-tipon ang mga gumagawa upang magpalitan ng mga produkto. 

Age and origins are not barriers at Doğa Okulu. Here residents enjoy a dhat in the amphi by Güneş Sönmez

Hindi hadlang ang edad at pinagmulan sa Doğa Okulu. Nasisiyahang nagkukuwentuhan sa amphi ang mga residente dito. Larawan ni Güneş Sönmez, ginamit nang may pahintulot.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.