
Balik-trabaho ang mga pintor sa Kalye Mohamed Mahmood sa Cairo matapos burahin ng pulisya ang mga mural sa lugar. Litratong kuha ng @RashaPress mula sa Twitter
More »
Ang Pandaigdigang Tinig (Global Voices) ay isang pandaigdigang network ng mga blogger na nagsasalinwika, nag-uulat, at nagtatanggol sa mga blog at sa media ng mamamayan sa buong mundo. Alamin kung bakit »
Below are posts about citizen media in Arabic. Don't miss Global Voices الأصوات العالمية, where Global Voices posts are translated into Arabic! Read about our Lingua project to learn more about how Global Voices content is being translated into other languages.

Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.


Balik-trabaho ang mga pintor sa Kalye Mohamed Mahmood sa Cairo matapos burahin ng pulisya ang mga mural sa lugar. Litratong kuha ng @RashaPress mula sa Twitter


Nakasulat sa mga paskil ang mga katagang: “Malaking karangalan ang hatid niyo sa amin! Kayo ay mga bayani! at Kayo ay pinagmamalaki ng Egypt”
Ibinida ni @MonaMcloof ang paskil na kanyang ginawa upang batiin ang delegasyon ng Egypt na nanggaling sa katatapos na paralympics.
@MonaMcloof [en]: Dadalhin ko ‘to sa pagsalubong sa delegasyon ng egypt na mula sa London #Paralympics


Daan-daang katao ang nag-abang sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo sa pagdating ng kupunan ng Egypt na galing sa katatapos na London Paralympics. Litratong ibinahagi ni @Morgan_ah sa Twitter
Sa Twitter, ibinahagi ni Ahmed Morgan [ar] ang kanyang litratong kuha mula sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo, kung saan daan-daang katao ang nagtipon bilang pagsalubong sa kupunan ng Egypt mula sa ginanap na London Summer Paralympics 2012.


Kopya ng dyaryong Tishreen sa bansang Syria. Iisang tao lamang ang paksa ng bawat balita sa unang pahina – si Bashar Al Assad. Litratong kuha ni @anasonine
Sa iba't ibang panig ng mundo, ginunita ang nakalipas na Eid Al Fitr sa loob ng tatlong araw, na siyang takda ng pagtatapos ng Ramadan - ang isang buwan ng pag-aayuno. Ngunit naging tahimik ang selebrasyon sa mga bansang Syria habang nagluluksa ang buong bayan para sa mga mamamayang nasawi, at sa bansang Bahrain kung saan napaslang ng pulisya ang isang 16-na-taong gulang na binata.
Idinaos ng mga mamamayan ng bansang Egypt ang pangalawang salang ng halalan sa pagkapangulo, sa kabila ng mga hakbang ng pamunuang Supreme Council for the Armed Forces (SCAF) na manatili sa pinanghahawakang puwesto. Ibinahagi ni Ammoun ang mga litratong kuha ng mga netizen sa makasaysayang araw ng eleksyon.
Buhat nang sumiklab ang rebolusyon sa bansang Egypt, dumarami ang mga nananawagan sa paggalang ng mga karapatang pantao, kabilang na ang karapatan ng mga kababaihan. Mula sa mga litrato masasaksihan natin ang isang protestang ginanap kamakailan sa siyudad ng Cairo laban sa pambabastos.

Matapos ang 32 taon ng rehimeng Hosni Mubarak, may bagong pangulo na ang bansang Egpyt. May bagong app naman ang inimbento upang subaybayan ang panunungkulan ng bagong halal na presidente na si Mohamed Morsi. Susundan nito ang pagpapatupad sa 64 na mga pangakong kanyang inilahad noong panahon ng kampanya.
Ayon sa Talaan ng mga bansa ng Wikipedia
Ang spratlys island ang bahagi ng pilipinas ayon na rin sa batas na ginawa ng...