Mga kwento tungkol sa Korean noong Abril, 2012
Mga Pananaw sa Pumalyang Pagpapalipad ng Rocket ng Hilagang Korea
Naglunsad ng rocket ang Hilagang Korea noong ika-12 ng Abril, sa kabila ng patong-patong na babala ng paghihigpit ng ibang bansa. Ngunit laking kahihiyan nang magkapira-piraso ang rocket matapos itong lumipad at bumagsak sa dagat. Sumiklab sa Internet sa Timog Korea ang samu't saring pagtatalo tungkol sa pangyayaring ito.