Mga kwento noong Technology for Transparency Network

Ehipto: Ipinakikilala ang MorsiMeter

Matapos ang 32 taon ng rehimeng Hosni Mubarak, may bagong pangulo na ang bansang Egpyt. May bagong app naman ang inimbento upang subaybayan ang panunungkulan ng bagong halal na presidente na si Mohamed Morsi. Susundan nito ang pagpapatupad sa 64 na mga pangakong kanyang inilahad noong panahon ng kampanya.