GlobalVoices sa Learn more »

Breaking News

Topic archive · 13 posts


Mga bagong kwento tungkol sa Breaking News

28 Oktubre 2012

Bahrain: Apat na Katao, Arestado Dahil sa Paggamit ng Twitter

GV Advocacy

Sa bansang Bahrain, may apat na katao ang inaresto dahil sa maling paggamit ng social media, ayon sa Ministeryo ng Interyor. Ngunit hindi idinetalye sa opisyal na pahayag ng pulisya [en] ang mga paratang laban sa mga taong dinakip – binanggit lamang ang “paggamit ng social media upang dungisan ang...

Basahin ang post na ito.

Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

26 Hunyo 2012

Basahin ang post na ito.

Ehipto: Mohamed Morsi, Bagong Pangulo ng Bansa

Si Mohamed Morsi ang bagong pangulo ng bansang Egypt. Inantabayan ng mga netizen sa Egypt ang ginawang pag-anunsyo hinggil sa kanilang susunod na presidente.

4 Hunyo 2012

Basahin ang post na ito.

Ehipto: Mubarak, Habambuhay na Mabibilanggo

Sinubaybayan ng buong mundo ang paglilitis sa dating pangulo ng bansang Egypt na si Hosni Mubarak at kanyang Ministro ng Interyor na si Habib Al Adly, na parehong hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagkamatay ng mga demonstrador noong 2011. Sabay na napanood ng mga mamamayan sa kani-kanilang telebisyon ang sesyon sa hukuman. Samu't saring opinyon ang kanilang ipinahayag sa internet.

8 Mayo 2012

Basahin ang post na ito.

Pransiya: Mga Litrato ng Reaksyon Matapos ang Halalan sa Pagkapangulo

Agad nabigyang kasagutan ang ginanap na halalan sa pagkapangulo ng bansang Pransiya noong ika-6 ng Mayo 2012. Nakakuha si Francois Hollande ng 51.90% ng kabuuang boto, samantalang 48.10% naman ang napunta sa kasalukuyang Pangulo na si Nicolas Sarkozy. Bakas sa mga litrato online ang bawat kaligayahan at panghihinayang ng magkabilang kampo matapos ilabas ang resulta.

25 Abril 2012

Basahin ang post na ito.

Bahrain: Karerang F1 Grand Prix Nabalot ng Karahasan, Tear Gas

Idinaos noong ika-22 ng Abril ang Bahrain Grand Prix subalit kasabay nito ang malalaking protesta sa bansa ilang araw bago ang naturang petsa. Sa mga naganap na salpukan, gumamit ang kapulisan ng mga tear gas at stun grenade, at natagpuang patay ang isang demonstrador na si Salah Abbas Habib.

Mga Rehiyon ng Mundo

Mga Bansa

Mga Wika