GlobalVoices sa Learn more »

Protest

Topic archive · 38 posts


Mga bagong kwento tungkol sa Protest

28 Oktubre 2012

Photos posts Video posts
Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

Basahin ang post na ito.

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

18 Oktubre 2012

Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

Martsa ng mga Kababaihang Togolese, litratong kuha ng grupong Let's Save Togo, mula sa Flickr, may pahintulot sa paggamit.

Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.

Myanmar: Kilos-Protesta, Ginanap sa Araw ng Kapayapaan

Peace Demonstration Myanmar

Alinsabay sa pagdiriwang ng Araw ng Kapayapaan, isang demonstrasyon ang inorganisa noong ika-21 ng Setyembre bilang panawagan na matuldukan ang nagaganap na digmaang sibil sa hilagang Myanmar. Litrato mula sa Facebook page ng CJ Myanmar

More »

17 Oktubre 2012

Tsina: Mga Demonstrador Kontra-Japan, Hinarangan ang Sasakyan ng Embahador ng US

Sa bidyong kuha ni Weiwei Ai [zh] na mapapanood sa YouTube, makikita ang isang pangkat ng mga Intsik na nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa bansang Hapon sa likod ng embahada ng Estados Unidos, kung saan kanilang hinarang ang sasakyan ni Ambassador Gary Locke. Tutol ang grupo sa polisiya ng Amerika hinggil sa ugnayang panlabas.

16 Oktubre 2012

Ehipto: Unibersidad ng Nile, Pinalibutan ng Kadena ng mga Tao

Kadena ng tao sa paligid ng Unibersidad ng Nile

Binuo ng mga mag-aaral at iba pang mamamayan ang kadena ng tao na umabot sa 1.5 na kilometro, sa paligid ng Unibersidad ng Nile. Litratong kuha ni @kandily, mula sa Twitter

More »

13 Oktubre 2012

Indonesia: Pelikulang Kontra-Muslim, Mariing Tinutulan

Kilos-protesta sa Surabaya, Indonesia laban sa pelikulang ‘Kawalang-Kamalayan ng mga Muslim'. Litratong kuha ni dJoko Kristiono, © Demotix (9/15/2012)

More »

10 Oktubre 2012

Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn', Nais Paimbestigahan

Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis.

Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis – at biglang inatake ang isang tindahan.

Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.

More »

7 Oktubre 2012

Hong Kong: Reporma sa Edukasyon, Mariing Tinutulan

Ibinahagi ni John Choy ang litratong panorama [en] ng kilos-protestang tinutuligsa ang panukalang reporma sa edukasyon na mas kilala sa tawag na “National Education”. Isinagawa ang protesta noong ika-8 ng Setyembre, 2012 sa harap ng tanggapan ng pamahalaan ng Hong Kong.

Bahagi ng litratong 360 degree mula kay John Choy.

6 Oktubre 2012

Myanmar: Mga Kababaihang Demonstrador, Idinitine

Kilos-protesta laban sa pagdakip ng 12 kababaihan

Kilos-protesta sa harap ng himpilan ng pulisya, laban sa pagdakip ng 12 kababaihan sa Monywa, Myanmar. Litrato mula sa Facebook page ng CJ Myanmar

More »

5 Oktubre 2012

Belarus, Ukraine: Mga Biktima ng Chernobyl, Wala Na Nga Bang Libreng UK Visa?

Kinukwestiyon ngayon, sa pamamagitan ng isang petisyon sa internet [en], ang panukalang dagdag-bayarin sa pagkuha ng visa papasok ng Britanya para sa mga taga-Belarus at Ukraine na naging biktima ng trahedya sa Chernobyl noong 1986 at pumupunta sa UK upang magpagamot.

More »

Mga Rehiyon ng Mundo

Mga Bansa

Mga Wika