Mga kwento noong and

Hong Kong: Reporma sa Edukasyon, Mariing Tinutulan

  7 Oktubre 2012

Ibinahagi ni John Choy ang litratong panorama [en] ng kilos-protestang tinutuligsa ang panukalang reporma sa edukasyon na mas kilala sa tawag na “National Education”. Isinagawa ang protesta noong ika-8 ng Setyembre, 2012 sa harap ng tanggapan ng pamahalaan ng Hong Kong.

Pilipinas: Talakayan Hinggil sa K-12 Bilang Repormang Pang-edukasyon

  15 Hunyo 2012

Matiyagang inipon at inilista ni Angel de Dios ang iba't ibang artikulo at mga komentaryo tungkol sa ipinapatupad na programang K-12 [en] bilang mahalagang reporma sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Nais ng gobyerno na dagdagan ng dalawang taon ang nakagaiwang bilang ng panimulang edukasyon, bukod pa sa pagrerepaso ng kurikulum.

Hapon: Online Seminar tungkol sa Digital na Pamamahayag

  21 Hunyo 2010

Nagdaraos si Joi Ito ng lingguhang seminar tungkol sa digital na pamamahayag sa Pamantasan ng Keio, na maaaring masaksihan ng live sa UStream. Ang mga panauhin ngayon ay ang mamamahayag ng New York Times na si Hiroko Tabuchi at si Jun Hoshikawa, punong tagapangasiwa ng Green Peace sa Hapon.