Mga kwento noong and

Hong Kong: Reporma sa Edukasyon, Mariing Tinutulan

  7 Oktubre 2012

Ibinahagi ni John Choy ang litratong panorama [en] ng kilos-protestang tinutuligsa ang panukalang reporma sa edukasyon na mas kilala sa tawag na “National Education”. Isinagawa ang protesta noong ika-8 ng Setyembre, 2012 sa harap ng tanggapan ng pamahalaan ng Hong Kong.

Pransiya, Yemen: Naglalahong Kababaihan

Sa kanyang Facebook page[fr], inilagay ni Eloïse Lagrenée ang interesanteng larawang kuha ng litratistang si Bushra Almutawakel [en] na taga-Yemen. Sa larawan, ipinapakita ang unti-unting paglaho ng mga kababaihan dahil sa panggipit ng pundamentalismo at sa pagsusuot ng buong niqab. Umabot sa 1,500 shares ang natanggap ng naturang larawan.

Pamumuhay ng may HIV sa Kazakhstan

  11 Hunyo 2012

Sa Vox Populi, isang Kazakh blog ng iba't ibang litrato, isinilarawan ni Gulnar Bazhkenova sa kanyang marubdob na pagsasalaysay [ru] ang mga kuwento ng mga indibidwal sa Kazakhstan na may sakit na HIV/AIDS. Nais nilang ibahagi sa ibang tao ang pagkakaroon ng HIV upang “ipakita ang mensahe na sila ay...