Mga kwento noong and

New Caledonia: Pagmimina ng Nickel, Humantong sa Away-Pulitika

  30 Oktubre 2012

Siniyasat ni Claudine WERY ang tensyon sa pulitika [fr] sa bansang New Caledonia sa pagitan ng mga partidong independentist at non-indenpendentist, na nag-ugat sa isyu ng pagmimina ng nickel. Banat ng mga non-independentists, nakipagkasundo ang kabilang panig sa mga bansang Tsina at Timog Korea kahit hindi ito otorisado. Samantala, nakatakdang...

Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon

  19 Oktubre 2012

Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o protocol para sa pagkuha ng tourist visa sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog Asya. Isinusulong ng inisiyatibong ‘Journeys To...

Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

  18 Oktubre 2012

Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.

‘Gangnam Style’, Ginaya ng Hilagang Korea

  17 Oktubre 2012

Sa website ng pamahalaan ng Hilagang Korea na Uriminzokkiri, iniupload ang isang bidyo [en] na may pamagat na “I'm Yushin style!” bilang panggagaya sa ‘Gangnam Style‘ [en] na pinasikat ng Timog Korea. Naging sentro ng katuwaan sa bidyo si Park Geun-hye, ang kandidato sa pagkapangulo ng kasalukuyang namumunong partido sa...

Taiwan: Nasaan ang mainland?

  24 Hunyo 2010

Tinalakay ni Tim Maddog sa Taiwan Matters ang paggamit ng mga tao sa Taiwan sa salitang “mainland” upang tukuyin ang Tsina. Iginiit niya na ito ay bahagi ng mga turo ng Partido Nasyonalista ng Tsina (KMT). Isinalinwika niya ang isang artikulo na nagtatalakay ng kung paano na ang gamit ng...