Mga kwento noong Roundups and Video
Mozambique: Ang Layon ng Isang Musikero
Sa bayan ng Maputo, Mozambique, mapapanood si Ruben Mutekane na kumakanta at tumutugtog ng Ndjerendje, isang instrumentong kanyang inimbento. Mapapanood dito ang maikling bidyong kuha ni Miguel Mangueze (@FotoMangueze).
Pandaigdigang Araw ng mga Rhino
Itinalaga ang ika-22 ng Setyembre, 2012, bilang World Rhino Day. Sa kasalukuyan, tinatayang may 22,000 puting rhino at 4,800 itim na rhino [en] ang natitira sa Aprika. Dahil sa walang habas na pagdakip ng mga ito, pinapangambahang tuluyang maubos ang dalawang species ng rhino pagdating ng 2025! Narito ang ilang...
Tsina: Mga Demonstrador Kontra-Japan, Hinarangan ang Sasakyan ng Embahador ng US
Sa bidyong kuha ni Weiwei Ai [zh] na mapapanood sa YouTube, makikita ang isang pangkat ng mga Intsik na nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa bansang Hapon sa likod ng embahada ng Estados Unidos, kung saan kanilang hinarang ang sasakyan ni Ambassador Gary Locke. Tutol ang grupo sa polisiya ng Amerika...
Japan: Araw ng Kapayapaan, Tampok sa Patimpalak ng mga Pelikula
Noong ika-21 ng Setyembre, na kinikilalang Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, idinaos ang United for Peace Film Festival 2012 sa Yokohama, Japan. Nilikha ng mga mag-aaral ang mga isinumiteng maiikling bidyo na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo.
Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn’, Nais Paimbestigahan
Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.