Nagbukas noong ika-20 ng Setyembre sa siyudad ng Tirana ang Balkans Beyond Borders Short Film Festival 2012 [en]. Ito ang ikatlong pagkakataon na ginanap ang nasabing patimpalak; ang napiling tema [en] sa taong ito ay “MAG-USAP TAYO – pagkakaiba-ibangwika at pakikipagtalastasan”. Ang talaan ng mga isinagawang aktibidades sa loob ng tatlong araw ay makikita sa website na ito [en].
Mga tampok na kwento tungkol sa Middle East & North Africa
Syria: Ang Rebolusyon Ayon sa Mga Guhit ni Wissam Al Jazairy

Si Wissam Al Jazairy ay isang binatang graphic designer mula Syria. Ang paghihirap ng kanyang mga kababayan ang siyang naging tema ng mga likhang-sining na kanyang iniambag sa rebolusyon. Narito ang ilan sa mga disenyong likha ni Wissan.
-
Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena
13 Setyembre 2012
-
Ehipto: Karapatan ng mga Kababaihan, Isinusulong ng ID Mo, Karapatan Mo
8 Setyembre 2012
-
Morocco: Reporma sa Edukasyon, Iginiit ng mga Mag-aaral
22 Agosto 2012
-
Syria: Mga Bidyo, Idinokumento ang Tumitinding Sagupaan
2 Agosto 2012
-
Qatar: Shopping Mall Nasunog, Kumitil ng Buhay
1 Hunyo 2012
Mga bagong kwento tungkol sa Middle East & North Africa
28 Oktubre 2012
Mga Bansang Arabo: Mga Salafist, Naging Tampulan ng Biro
Kilala sa kanilang mahahabang balbas, at mga saplot na hanggang talampakan (thobe), naging tampulan ng mga katagang pabiro sa Twitter ang mga Salafists, na naniniwala sa istriktong interpretasyon ng mga kaugaliang Islam. Sa hashtag na #SalafiAwkwardMoments, pinuna ng mga netizen sa Twitter ang mga nakakatawang bagay tungkol sa mga Salafist, habang pinag-uusapan sa mga kanluraning bansa kung ano ang magiging pakikitungo nito sa naturang pangkat.
17 Oktubre 2012
16 Oktubre 2012

Ehipto: Mga Mural na Binura ng Pulisya, Nagbabalik sa Lansangan

Balik-trabaho ang mga pintor sa Kalye Mohamed Mahmood sa Cairo matapos burahin ng pulisya ang mga mural sa lugar. Litratong kuha ng @RashaPress mula sa Twitter
More »
13 Oktubre 2012

Bahrain: Website ng Pagpupulong ng UN, Hinarangan

UN webcast page [en], ipinagbawal sa Bahrain, larawang ibinahagi ni @MohdMaskati [en] sa Twitter
More »
7 Oktubre 2012
6 Oktubre 2012

Egypt: Pagsalubong sa mga Bayani ng Paralympics

Nakasulat sa mga paskil ang mga katagang: “Malaking karangalan ang hatid niyo sa amin! Kayo ay mga bayani! at Kayo ay pinagmamalaki ng Egypt”
Ibinida ni @MonaMcloof ang paskil na kanyang ginawa upang batiin ang delegasyon ng Egypt na nanggaling sa katatapos na paralympics.
@MonaMcloof [en]: Dadalhin ko ‘to sa pagsalubong sa delegasyon ng egypt na mula sa London #Paralympics
5 Oktubre 2012

Pransiya, Yemen: Naglalahong Kababaihan
Sa kanyang Facebook page[fr], inilagay ni Eloïse Lagrenée ang interesanteng larawang kuha ng litratistang si Bushra Almutawakel [en] na taga-Yemen. Sa larawan, ipinapakita ang unti-unting paglaho ng mga kababaihan dahil sa panggipit ng pundamentalismo at sa pagsusuot ng buong niqab. Umabot sa 1,500 shares ang natanggap ng naturang larawan.

Syria: Kasama ang mga armas at tanke
Sa kanyang pinakahuling pagbisita sa bansang Syria, ibinida sa Twitter ni Emma Suleiman, na taga-Pransiya, ang litrato kung saan katabi niya ang isang tankeng pandigma at hawak ang isang armas. Dagdag pa niya [en]:
@emmasulieman [en]: Maraming pa akong litrato kasama ang FSA sa malayang Syria :) may tanke na sila ngayon :)))
4 Oktubre 2012

Ehipto: Masayang Pagsalubong para sa Kupunan sa Paralympics

Daan-daang katao ang nag-abang sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo sa pagdating ng kupunan ng Egypt na galing sa katatapos na London Paralympics. Litratong ibinahagi ni @Morgan_ah sa Twitter
Sa Twitter, ibinahagi ni Ahmed Morgan [ar] ang kanyang litratong kuha mula sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo, kung saan daan-daang katao ang nagtipon bilang pagsalubong sa kupunan ng Egypt mula sa ginanap na London Summer Paralympics 2012.






























RSS feed for Middle East & North Africa 

















Ang spratlys island ang bahagi ng pilipinas ayon na rin sa batas na ginawa ng...