GlobalVoices sa Learn more »

Egypt

Country archive · 18 posts


Mga bagong kwento tungkol sa Egypt

28 Oktubre 2012

Mga Bansang Arabo: Mga Salafist, Naging Tampulan ng Biro

Basahin ang post na ito.

Kilala sa kanilang mahahabang balbas, at mga saplot na hanggang talampakan (thobe), naging tampulan ng mga katagang pabiro sa Twitter ang mga Salafists, na naniniwala sa istriktong interpretasyon ng mga kaugaliang Islam. Sa hashtag na #SalafiAwkwardMoments, pinuna ng mga netizen sa Twitter ang mga nakakatawang bagay tungkol sa mga Salafist, habang pinag-uusapan sa mga kanluraning bansa kung ano ang magiging pakikitungo nito sa naturang pangkat.

16 Oktubre 2012

Ehipto: Mga Mural na Binura ng Pulisya, Nagbabalik sa Lansangan

Artists painting murals on Mohamed Mahmood Street in Cairo after police erased them

Balik-trabaho ang mga pintor sa Kalye Mohamed Mahmood sa Cairo matapos burahin ng pulisya ang mga mural sa lugar. Litratong kuha ng @RashaPress mula sa Twitter


More »

Ehipto: Unibersidad ng Nile, Pinalibutan ng Kadena ng mga Tao

Kadena ng tao sa paligid ng Unibersidad ng Nile

Binuo ng mga mag-aaral at iba pang mamamayan ang kadena ng tao na umabot sa 1.5 na kilometro, sa paligid ng Unibersidad ng Nile. Litratong kuha ni @kandily, mula sa Twitter

More »

6 Oktubre 2012

Egypt: Pagsalubong sa mga Bayani ng Paralympics

Ibinida ni @MonaMcloof ang paskil na kanyang ginawa upang batiin ang delegasyon ng Egypt

Nakasulat sa mga paskil ang mga katagang: “Malaking karangalan ang hatid niyo sa amin! Kayo ay mga bayani! at Kayo ay pinagmamalaki ng Egypt”

Ibinida ni @MonaMcloof ang paskil na kanyang ginawa upang batiin ang delegasyon ng Egypt na nanggaling sa katatapos na paralympics.

@MonaMcloof [en]: Dadalhin ko ‘to sa pagsalubong sa delegasyon ng egypt na mula sa London #Paralympics

4 Oktubre 2012

Ehipto: Masayang Pagsalubong para sa Kupunan sa Paralympics

Daan-daang katao ang nag-abang sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo

Daan-daang katao ang nag-abang sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo sa pagdating ng kupunan ng Egypt na galing sa katatapos na London Paralympics. Litratong ibinahagi ni @Morgan_ah sa Twitter

Sa Twitter, ibinahagi ni Ahmed Morgan [ar] ang kanyang litratong kuha mula sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo, kung saan daan-daang katao ang nagtipon bilang pagsalubong sa kupunan ng Egypt mula sa ginanap na London Summer Paralympics 2012.

3 Oktubre 2012

Ehipto: 18 Kababaihang Hudyo at 4 na Kalalakihan

Sinagogang Eliyahu Hanavi sa Alexandria

Sinagogang Eliyahu Hanavi sa lungsod ng Alexandria. Larawang bahagi ng public domain, kuha ni Moshirah.


More »

Ehipto: Pagbabago sa Estasyon ng Tren sa Alexandria

Sidi Gaber station two storey shopping mall.

Ang shopping mall na katabi ng estasyon ng Sidi Gaber. Litratong kuha ni Shaimaa Ashour noong ika-8 ng Mayo, 2012 (ginamit ng may permiso).

More »

22 Setyembre 2012

Photos posts
Ehipto: Makasaysayang Pamilihan ng mga Aklat, Sinalakay ng Pulisya

Basahin ang post na ito.

Madaling araw ng ika-7 ng Setyembre nang mabalitaan ng mga taga-Egypt ang ginawang pagsalakay sa mga tindahan ng mga libro sa Kalye Prophet Daniel sa lungsod ng Alexandria. Maraming nagsasabing kagagawan ito ng mga taga-Ministeryo ng Interyor. Bumuhos naman ang poot ng mga netizen sa Muslim Brotherhood, na inaakusahang unti-unting sumisira sa yamang-kultura ng bansa.

13 Setyembre 2012

Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena

Basahin ang post na ito.

Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.

8 Setyembre 2012

Photos posts
Ehipto: Karapatan ng mga Kababaihan, Isinusulong ng ID Mo, Karapatan Mo

Basahin ang post na ito. 7 Billion Actions

Aabot sa 4 na milyong kababaihan ng bansang Egypt ang walang opisyal na ID, na siyang kailangan upang mabigyan sila ng samu't saring serbisyo publiko at mga karapatang pambatas, panlipunan at pangpinansiyal. Layon ng proyektong "ID Mo, Karapatan Mo" na mabigyan ng ID ang 2 milyong kababaihan at mapalaganap ang kaalaman tungkol sa ganitong usapin at pati na ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Mga Rehiyon ng Mundo

Mga Bansa

Mga Wika