Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o protocol para sa pagkuha ng tourist visa sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog Asya. Isinusulong ng inisiyatibong ‘Journeys To Democracy’ [en] ang petisyong ‘Aman ki Asha Milne Do’ [en] upang tuluyan itong mabago.
Mga bagong kwento tungkol sa South Asia
19 Oktubre 2012
6 Oktubre 2012

Maldives: Araw ng Kasarinlan, Ipinagdiwang
Ibinahagi ni Buggee sa kanyang blog [en] ang ilang litrato ng makulay na kaganapan sa Liwasan ng Galolhu sa lungsod ng Male, kabisera ng bansa, bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ang ika-47 anibersaryo sa kasaysayan ng bansa.
4 Oktubre 2012

Indiya: Pananaw ng mga Blogger ngayong 2012, Sinurbey
Tinukoy ni Prasant Naidu sa kanyang itinatag na website [en] ang ilang impormasyon na kanyang nahugot mula sa ginawang Bloggers’ Mindset Survey 2012 na inilunsad ng grupong 20:20 MSL at Blogathon India. Kanyang pinuna ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ngayon, gaya ng “paglipat ng mga tao mula blogs papuntang Twitter bilang pangunahing daluyan ng talakayan ” at “ang kahalagahan ng Facebook upang mahikayat ang mga mambabasa na magtungo sa mga blogs”.
3 Oktubre 2012

Bangladesh: Vikrampur – Ang Kinukubling Siyudad
Inilahad ng blog na Bangladesh Unlocked ang isa sa mga kinukubling lihim ng Bangladesh – ang mga lumang gusaling itinayo sa Vikrampur noong ika-6 at ika-7 siglo, na matatagpuan sa distrito ng Munshiganj sa kasalukuyan.
1 Agosto 2012
Bidyo: Tara na sa mga palengke ng mundo
Sagana sa iba't ibang kulay, tunog at punung-puno ng buhay ang mga palengke at pamilihan, saang dako man sa mundo. Samahan niyo kami sa aming pagbisita - sa pamamagitan ng mga litrato at bidyo - sa mga palengke ng El Salvador, Mehiko, Indiya, Indonesia at Thailand.
24 Hunyo 2012
Bangladesh: Palabas na Cartoon, Nagtuturo sa mga Bata ng Dayuhang Wika at Pagsisinungaling
Isang sikat na palabas sa Disney Channel India, na isinalin sa wikang Hindi, ang pinag-uusapan ngayon sa Bangladesh. Sinasabing ang Japanese anime na Doraemon ay nagtuturo sa kabataan ng dayuhang lenggwahe at ng pagsisinungaling.
19 Hunyo 2012

Indiya: Dalawang Petsa ng Kaarawan ng Iisang Tao
Malaking porsiyento ng mga taong nakatira sa subkontinenteng Indiyan ay nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan sa dalawang magkaibang petsa bawat taon – ang una ay ang opisyal na petsa, samantalang ang pangalawa ay ang mismong araw ng kapanganakan. Bakit nga ba? Narito ang paliwanag ni Binayak Ghosh [en].
13 Hunyo 2012

Pakistan: Isyu ng Pagpatay sa 5 Kababaihan sa Kohistan, Naging Masalimuot
Hatid ni Omair Alavi [en] ang panibagong ulat tungkol sa tahasang pagpatay o ang tinatawag na honor killing sa 5 kababaihan sa distrito ng Kohistan. Kinuwestiyon niya ang ginampanang papel ng media sa buong kontrobersiya.

Nepal: Mga Partido ng Oposisyon, Nagdaos ng Protesta sa Kathmandu
Ibinahagi ng isang taga-Nepal sa kanyang blog [en] ang mga kuhang litrato at bidyo sa ginanap na demonstrasyon noong ika-9 ng Hunyo sa siyudad ng Kathmandu. Dinaluhan ito ng mga kasapi ng 22 partido ng oposisyon.
12 Hunyo 2012
Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon
Naging pangunahing balita kamakailan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar, isa sa mga pinakamalalaking negosyanteng grupo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may 50 kilometro ang layo mula sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.






























RSS feed for South Asia 











Ang spratlys island ang bahagi ng pilipinas ayon na rin sa batas na ginawa ng...