GlobalVoices sa Learn more »

Sub-Saharan Africa

Region archive · 17 posts


Mga bagong kwento tungkol sa Sub-Saharan Africa

28 Oktubre 2012

Photos posts Video posts
Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

Basahin ang post na ito.

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

23 Oktubre 2012

Mozambique: Ang Layon ng Isang Musikero

Pagtugtog ng Ndjerendje ni Ruben Mutekane sa Maputo, Mozambique (Setyembre, 2012). Bidyong kuha ni Miguel Mangueze

Pagtugtog ng instrumentong Ndjerendje na binuo ni Ruben Mutekane. Maputo, Mozambique (Setyembre, 2012). Bidyong kuha ni Miguel Mangueze sa YouTube

Sa bayan ng Maputo, Mozambique, mapapanood si Ruben Mutekane na kumakanta at tumutugtog ng Ndjerendje, isang instrumentong kanyang inimbento. Mapapanood dito ang maikling bidyong kuha ni Miguel Mangueze (@FotoMangueze).
More »

19 Oktubre 2012

Mozambique: Mga Bisikleta, Nagsisilbing Taksi sa Lungsod ng Quelimane

Mozambique: Mga bisikletang taxi ang hari ng kalsada sa Quelimane. Litratong kuha ni António Silva

“Mozambique: Mga bisikletang taksi ang hari ng kalsada sa Quelimane.” Litratong kuha ni António Silva (pampublikong copyright)

More »

18 Oktubre 2012

Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

Martsa ng mga Kababaihang Togolese, litratong kuha ng grupong Let's Save Togo, mula sa Flickr, may pahintulot sa paggamit.

Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.

13 Oktubre 2012

Global Voices, Pinarangalan sa Gawad Highway Africa

Gantimpalang Highway Africa para sa Global Voices

Mga Nagwagi: Dorothee Danedjo mula Cameroon at Ndesanjo Macha ng Global Voices. Litratong kuha ni Ettione Ferreira (ginamit ng may pahintulot)

More »

3 Oktubre 2012

Angola: Mula sa Kabukiran Hanggang Dalampasigan

"From the highlands to the coast, recovery paths" is the title of a photo report by Chico Laxmidas on Buala (CC BY-NC-SA 2.5)

“Mula sa kabukiran hanggang dalampasigan, daan sa panunumbalik” ang pamagat ng ulat ni Chico Laxmidas tungkol sa kontemporaryong kultura ng Aprika, sa website ng Buala (CC BY-NC-SA 2.5)

More »

2 Oktubre 2012

Gresya: Pagkakaiba-iba, Iginiit ng mga Tutol sa Kilusang Nasyonalista

Paskil sa Athens na may sentimyentong anti-nationalist [el]: “Gusto namin ng mga kamag-aral mula Albania, katrabahong Afghani, kapitbahay na taga-Nigeria, at na mapatalsik ang mga pasista.” Mula sa Facebook page na ‘Europeans against the political system'.

More »

1 Setyembre 2012

Togo: 11 Katao, Nawawala Matapos ang Sagupaan ng mga Pulis at Demonstrador

Kilos-protesta sa Togo. Litrato ng Collectif Sauvons le Togo (may permiso sa paggamit)

Kilos-protesta sa Togo. Litrato ng Collectif Sauvons le Togo (may permiso sa paggamit).

More »

29 Agosto 2012

Niger: Libu-libo ang Nawalan ng Tirahan sa Pagbaha sa Niamey

Humihingi ng tulong si Barmou Salifou mula sa bansang Niger, sa pamamagitan ng Twitter, nang salantahin ng mga pagbaha ang bayan ng Niamey noong Agosto 19.

More »

5 Hulyo 2012

Photos posts Video posts
Uganda: Pagbasag ng Katahimikan, Panawagan sa Karapatang Pangkalusugan

Basahin ang post na ito.

Isang bidyo ang inilabas sa internet kamakailan ng grupong Results for Development, isang organisasyong non-profit na naglalayong masolusyunan ang mga suliranin sa pandaigdigang kaunlaran, kung saan hinihimok nito ang mga Ugandan na basagin ang katahimikan at angkinin ang kanilang mga karapatang pangkalusugan.

Mga Rehiyon ng Mundo

Mga Bansa

Mga Wika