The Global Voices Lingua project hopes to bring GV content to new linguistic audiences - Details

Also in:

Pahayag


Philippine Flag

Ang watawat ng Pilipinas.

Naniniwala kami sa malayang panalita: sa pagtangol ng karapatang makapagsalita – at sa karapatang makinig. Naniniwala kami sa  malawakang pagkamit sa mga  kasangkapang pangkomunikasyon.

Sa gayon, aming mamarapatin na ang lahat na nais makapagsalita  ay mabigyan ng paraang makapagsalita  – at ang lahat na nagnanais na  makarinig ng yoong payahag, may pamaraan na mapakinggan ito.

Salamat sa mga makabagong kasangkapang pangkomunikasyon, ang pananalita ay hindi na kailangan patigilin  ng mga taong may kakayahan na makapagpamamay-ari sa paglimbag at pamahagi, o kaya ng pamahalaan na nais takdaan ang pag-iisip at paghahatid. Sa ngayon, kahit sino ang makakamit ng kapangyarihang makapagpahayag. Lahat ay maaring makasalaysay ng kanilang kwento sa mundo.

Layunin namin na makabuo ng mga tulay sa kabilang ibayo ng baybaying naghahati sa mga tao,  nang sa gayon ay mas lalong maunawaan ang  isa't-isa. Layunin namin na mas higit pang gawing mabisa ang pagsamahang trabaho, at  kumilos na mas lalong makapangyarihan.

Naniniwala kami sa kapangyarihan ng matuwid na ugnayan. Ang bigkis sa pagitan ng mga tao  mula sa ibat-ibang panig ng mundo ay personal, pulitikal at makapangyarihan. Naniniwala kami na ang pakikipag-usap sa ibayong hangganan ay nararapat para sa isang kabukasang malaya, pantay, masagana at matagalan – para sa lahat ng mamamayan sa mundo.

Samantalang pinapatuloy namin ang sariling gawain at pananalita, nais din naming suriin at itaguyod  ang aming mga sama-samang kawilihan at layunin. Aming ipapangako na igagalang, tutulungan, tuturuan, matuto mula sa,  at makinig sa isa't-isa.

Kami ang Pandaigdigang Boses.

[Ang imahe ng watawat ng Pilipinas ay nakuha sa: http://www.33ff.com/flags/XL_flags/Philippines_flag.gif]


Other Sections