Dahil sa Paratang ng Pangmomolestiya sa mga Bata, Diplomatikong Iranian Umalis ng Brazil

Inakusahan ang isang Iranian diplomat na nakabase sa bayan ng Brasilia, kabisera ng bansang Brazil, sa salang pangmomolestiya ng mga babaeng menor-de-edad sa isang palanguyan noong ika-14 ng Abril, 2012. Dinakip ng mga pulis [en] ang nasturang opisyales ng bansang Iran matapos magsampa ng reklamo ang mga magulang ng mga bata, subalit pinalaya din ito dahil sa kalayaang diplomatiko o diplomatic immunity. Bagamat pinasinungalingan ng embahada ng Iran ang mga paratang at sinabing “hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura” lamang ang lahat, hindi napigilan ng mga netizen sa Iran at Brazil na batikusin ang insidente.

Ayon sa ulat na pinalabas [pt] sa telebisyon sa Brazil, nakita ng ilang testigo [en] ang naturang diplomat na naka-“langoy pato” sa palanguyan. Ayon sa mga pulis, hinawakan niya ang mga batang babae, na may edad siyam hanggang labinlimá, habang ito ay nasa ilalim ng tubig. Napasigaw naman ang mga dalaga at agad na sinugod ng mga magulang ang lalaki. Matapos tanungin ng mga pulis, agad namang umalis ng bansa [en] ang nasabing diplomat.

Screenshot mula sa ulat na pinalabas sa telebisyon sa Brazil.

Screenshot mula sa ulat na pinalabas sa telebisyon sa Brazil.

Nagulat naman ang mga Iranian sa balita at binatikos ang rehimeng Islamiko dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na paghihiwalay ng mga kasarian sa loob ng bansa habang hinahayaan nito ang mga diplomatiko na makihalubilo sa mga palanguyan sa ibang bansa. Kinutya din nito ang paliwanag ng gobyerno tungkol sa “hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura”.

Tinukoy ni Azarakan ang kabalintunaan ng “hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura” at sinabing [fa]:

I think the islamic republic is right about cultural difference because this regime has raped its own people for many years without shame… have you heard that one of the Islamic regime's representatives was caught for his dirty activities? Can the regime escape the pressure of international public opinion this time?

Tingin ko tama naman ang gobyernong Islamiko tungkol sa pagkakaiba ng mga kultura dahil pinagsamantalahan ng rehimeng ito ang kanyang mamamayan ng walang katiting na kahihiyan… Nakarinig ka na ba na napatunayang nagkasala ang isang kinatawan ng gobyerno ng Iran? Matatakasan ba ng gobyerno ngayon ang pananaw ng publiko mula sa ibang bansa?

Dumagsa naman sa Twitter ang mga reaksyon mula sa mga taga-Brazil. Kinuwestiyon ni Magalhães A.S.:

@tovaga [pt]: Justiça e grande justiça, para que servem? É justo que o diplomata iraniano com “imunidade diplomática” abuse de crianças do DF? Só no Irã

@tovaga: Hustisya at dakilang hustisya, para saan pa? Makatarungan ba na abusuhin ng isang kinatawan ng Iran na may kalayaang diplomatiko ang mga bata sa DF {Federal District [en]}? Tanging sa Iran lamang
'Ilang beses ko na bang sinabi sayo na huwag kang maligo dito sa palanguyan, may diplomat dito.' Komiks ni Mana Neyestani mula Mardomak (ginamit ng may pahintulot)

‘Ilang beses ko na bang sinabi sayo na huwag kang maligo dito sa palanguyan, may diplomat dito.’ Komiks ni Mana Neyestani mula Mardomak (ginamit ng may pahintulot)

Pinuna naman ng konserbatibong mamamahayag na si Reinaldo Azevedo sa kanyang blog [pt] ang alegasyon ng Embahada tungkol sa “pagkakaiba ng kultura” – nagtataka kung mabibigyang hustisya ba ang insidente sa loob ng Iran – at sinabing:

É muito atrevimento a embaixada de um país que vive sob uma ditadura religiosa, que trata a divergência na base da bala e do porrete, que discrimina as mulheres, que as condena ainda ao apedrejamento, criticar a imprensa de um país livre.

Lubhang mapangahas ang ginawa ng embahada mula sa isang bansang nasa ilalim ng diktadurang panrelihiyon, kung saan ang lahat ng sasalungat ay sinasalubong ng bala at palo, kung saan tinuturing na iba ang kababaihan, kung saan binabato ang nagkasala, ang ginawang pagbatikos sa press ng isang malayang bansa.

Ayon naman kay Jomhouriat mula Iran [fa]:

The Brazil scandal displays the fall of the Iranian regime's morality. This disaster is just a window for the world to learn about behaviour of representatives of the regime… in our prisons there are many cases of torture and rape.

Pinapamalas lamang sa eskandalo sa bansang Brazil ang pagbagsak ng moralidad ng rehimeng Iran. Sinasalamin lang nito ang pag-uugali ng mga kinatawan ng gobyerno… sa mga bilangguan marami ang pinapahirapan at pinagsasamantalahan.
Kasamang nagsulat ng akdang ito si Sara Moreira [en].

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.