See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Kilos-Protesta ng mga Anarkistang Griyego sa mga Litrato

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]

Ang ulat ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Krisis sa Europa.

Unang araw ng Setyembre, 2012, nang isinagawa sa gitnang Athens, sa bansang Griyego, ang kilos-protesta laban sa rasismo at paghamak ng lahi. Nagsimula ang demonstrasyon sa Monastiraki Square.

Daan-daang demonstrador, na karamihan ay naniniwala sa anarkiya, ang nagtipon-tipon bilang pagkundena sa marahas na pag-atake sa mga dayuhan at imigrante [el] ng mga kasapi ng grupong Golden Dawn, ang pambubugbog ng pulisya sa mga prostitute na napatunayang HIV-positive, at ang kampanyang ‘Xenios Zeus’ ng pamahalaan [na pinupuntirya ang mga taong naiiba ang kulay at hinahanapan ng kaukulang papeles].

Nagtipon-tipon sa Monastiraki ang mga nagpoprotesta. Litratong kuha ng may-akda

Nagtipon-tipon sa Monastiraki ang mga nagpoprotesta. Litratong kuha ng may-akda.

Dumaan ang buong pangkat sa Kalye Athinas papuntang Omonoia Square, at umikot pabalik ng Monastiraki. Hindi na nila narating ang gusali ng Parliyamento dahil inabangan sila ng mga pulis sa Kalye Panepistimiou. Sa kabila nito, wala namang napahamak sa nasabing tagpo, maliban sa ilang palitan ng mga salita ng magkabilang panig.

Kilos protesta sa Omonoia Square. Litratong kuha ng may-akda.

Kilos protesta sa Omonoia Square. Litratong kuha ng may-akda.

Ibinandera ng mga demonstrador ang mga katagang: "Supilin natin ang mga pasista at ang pulisyang sunud-sunuran. Sama-sama ang mga lokal at mga refugee sa laban." Litatrong kuha ng may-akda

Ibinandera ng mga demonstrador ang mga katagang: “Supilin natin ang mga pasista at ang pulisyang sunud-sunuran. Sama-sama ang mga lokal at mga refugee sa laban.” Litatrong kuha ng may-akda.

Hinarangan ng mga pulis sa Kalye Panepistimiou ang mga demonstrador. Litratong kuha ng may-akda

Hinarangan ng mga pulis sa Kalye Panepistimiou ang mga demonstrador. Litratong kuha ng may-akda.

Ilan pang kilos-protesta ang ginanap sa bansa kamakailan, na organisado ng iba't ibang pangkat [el] na may mga magkahiwalay na paniniwala. Sa susunod na bidyo, mapapanood ang ilang kuha sa kilos-protesta noong ika-24 ng Agosto sa Athens, na isinagawa ng mga refugee:

Mas maraming Griyego na ngayon ang nakikialam sa usapin ng rasismo, kahit magkaiba man ang kanilang pinapanigan sa pulitika. Pinangangambahang lumalawak ang hawak ng kaisipang pasismo sa bansang Griyego, matapos maihalal sa parliyamentaryo ang isang partidong neo-nazist.

Hindi nagpatinag ang matandang lalaking ito na kabilang sa kilos-protesta. Litratong kuha ng may-akda.

Hindi nagpatinag ang matandang lalaking ito na kabilang sa kilos-protesta. Litratong kuha ng may-akda.

Unti-unting namumulat ngayon ang mga mamamayang Griyego sa banta ng rasismo na kailangang matugunan.

Ang ulat ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Krisis sa Europa.

Comments are closed