See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Japan: Pagsugod ng “1,000 Barkong Instik”, Pinasinungalingan

Ang pinag-aagawang Senkaku (Diaoyu) Islands. Litrato mula sa Wikipedia.

Ang pinag-aagawang Senkaku (Diaoyu) Islands. Litrato mula sa Wikipedia.

Mali ang impormasyong nakasulat sa mga pahayagan [jp] tungkol sa Senkaku (Diaoyu) Islands, mga teritoryong pinag-aagawan ng Japan at Tsina. Ayon ito sa ulat ng Gohoo.org [jp], isang website na ang trabaho ay kumpirmahin ang katotohanan sa mga binabalita ng mga dyaryo sa Japan. Narito ang isang halimbawa [en].

Ito ang babala ng @watchdog_japan [ja] sa tweet nito:

【注意報】「中国漁船1千隻 尖閣海域へ」 引用元記事に注意 http://gohoo.org/alerts/120920/  →中国漁船1000隻が尖閣に出港したとの報道は、引用された中国メディアの元記事が既に削除されています。別の引用元記事も「不完全な統計」と断り書きがありました。

[paalala] mag-ingat sa mga sanggunian ng mga katagang “1,000 barkong Intsik susugod patungong Senkaku” http://gohoo.org/alerts/120920/ → ang orihinal na sanggunian ng nasabing balita tungkol sa 1000 barko ng Tsina ay binura ng Chinese media. Ayon naman sa ibang sanggunian, “mali ang mga numero”

Sang-ayon naman dito ang ulat ng Jiji press [en, ja], kung saan ibinalita ni Hiroshi Majima, pinuno ng 11th Regional Coast Guard Headquarters sa bayan ng Naha kay Yoshiyuki Uehara, Lieutenant Governor ng Okinawa, na walang katotohanan sa impormasyon tungkol sa pagsugod ng mga bangkang Instik sa Senkaku Islands na pinangangasiwaan ng Okinawa Prefecture.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.